Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucy inaabangan sa Ping-Tito tandem

0 59

NI: ROLDAN CASTRO

Inaabangan ngayong Agosto ang plano nina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto kung tuloy ang tandem nila na Presidente at Vice President.

Ang target nila ay August 5, tentativelay para magkaroon ng official announcement.

Pag tuloy sila, mukhang star-studded ang Senatorial line-up ng Ping-Tito tandem.

Lumalabas ang pangalan nina Kris Aquino , Vilma Santos at Lucy Torres-Gomez. May nakareseba na raw na slot sa kanila.

Nung huli naming makatsikahan sina Lucy at Richard Gomez ay hindi pa buo ang desisyon niya para tumakbong senador.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero pinayuhan siya ni Goma na ‘go for it. Si Richard ay kasalukuyang alkalde ng Ormoc City.

Ngayon ay mamimili na lang si Lucy kung saan siya sasanib. Sa team Ping –Tito ba? O sa tiket ng administrasyon pag desidido na siya sa senado.

Gayunman, naniniwala si Richard na destiny kung sakaling magkaroon ng national position si Lucy.Aprubado sa kanya kung tumakbo ang asawa sa senado.

Pero paulit-ulit na sinasabi ni Lucy na hindi niya ito grand plan. 2016 pa ay tinatanong na siya sa mataas na posisyon. Ganyan din nu’ng 2019.

Hindi raw niya ‘yun ambisyon pero pag mabigyan siya ng pagkakataon,eh, tingnan na lang natin sa Oktubre.

Leave A Reply

Your email address will not be published.