Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucy, JV, Loren sanib-puwersa sa Ping-Tito tandem

0 104

ROMMEL PLACENTE: Mga ka-Cuatros,kinumpirma ni Sen.Tito Sotto na tatakbo sa susunod na eleksyon bilang senador si Congwoman Lucy Torrez Gomez.At ito ay sa partido ng National People’s Coalition

“Cong.Lucy will be in our line up,”sabi ni Sen.Tito

So, nasa iisang partido sila. Si Sen.Ping Lacon ang kanyang running mate na tatakbo namang Pangulo.

Ilan pa sa mga kandidato na makakasama ni Lucy ay sina Chiz Escudero, JV Ejercito, at Loren Legarda na pawang may mga koneksyon sa entertainment industry. So,dahil dito,malaki ang posibilidad na makakuha sila ng boto mula sa mga taga- showbiz, di ba?

Sa tingin ko magiging epektibo naman siyang senadora kung mananalo.Malawak na rin naman kasi ang karanasan niya sa politika bilang naging mayor ng Ormoc at sumunod ay bilang congresswoman doon.

RODEL FERNANDO: Mukhang magiging star studded ang tambalang Ping at Tito dahil may tsika na may puwesto rin sa partido nila ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at Queen of Talk na si Kris Aquino. Iyan ay kung tatakbo ang dalawa dahil ngayon ay hindi pa sila nagpaparamdam. Pero baka isang araw ay magulat na lang tayo at mag-aanunsiyo na rin sila.

Pag nagkataon mapupuno ng stars ang Senado dahil maingay ring tatakbo si Willie Revillame. Ang saya- saya pag nagkataon pero sana kapag maupo man ang mga celebrity na aming nabanggit ay maging dedicated sila sa magiging trabaho nila para walang maipintas ang taong bayan.

MILDRED A. BACUD:

Why not kung tatakbong Senador si Congresswoman Lucy Torres Gomez. Experience more than a decade na rin siyang politician. Naalala niyo na 2010 ay napilitan siyang palitan amg asawang si Richard na tumakbo sa kongreso dahil na-disqualified ito sa dahilang pagkuwestyon ng residency ng aktor sa Ormoc City.

Masaya ito lalo na sa entertainment industry dahil magkakaroon ng boses ang mga tulad natin na gustong masalba ang mundo natin. Nito ngang pandemya ang live events ang isa sa higit na tinamaan kaya naniniwala ako na susuporta si Lucy kasama ang ilang showbiz personalities na kasama niya sa partido.

Pero huwag din pakakasiguro. Kumbaga sa basketball bilog ang bola. Hindi rin naman lahat ng artista na tumatakbo sa politika ay nananalo. Minsan kapag nag-iba na sila ng posisyon na tatakbuhin ay nag-iiba rin ang kapalaran.

ROLDAN CASTRO: Basta ako naniniwala na kailangan ang serbisyo ng isang Lucy Torres sa Senado. Maganda ang record niya sa politika.

Lumalakas din ang laban ng Ping Lacson at Tito Sotto Tandem. Habang tumatagal ay umiingay ang kandidatura nila at maganda ang pulso ng masa sa kanila.

Posible ring maging supporter nila si Angel Locsin dahil balitang magiging ninong umano nito sa kasal si Senator Ping.

Tiyak na masaya ng halalan 2022 dahil ngayon pa lang ay nabubulabog na ang showbiz sa mga tatakbo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.