Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lucy ‘mukha’ ng Anti-Terror Bill

0 353

Dahil sa kanyang pagsuporta sa anti-terror bill, ready na raw for her close up as a future senadora si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Juice colored! Saan galing ang pangarap kong jackpot na ito ?

Siyempre, kung may tuwang-tuwa sa mahusay niyang pagkakaintindi sa bill at sa pagtatanggol dito, meron ring mapaghamong katanungan sa misis ni Richard Gomez.

Mula sa foremost PDuts administration kritiko Ogie Rosa: “Since ikaw ang ‘mukha’ ng Anti-Terror Bill, babantayan mo ba ang pagpapatupad nito? Ikaw ba mismo ang unang magsasalita kapag may pang-aabuso? Makikiisa ka ba sa kilos protesta kapag may mga aktibistang dinampot? O magmamaang-maangan ka na lang pagkatapos?”

Sa isang healthy democracy na salamat naman sa Panginoon ay meron pa tayo, laging magkakasalungat ang opinion ng mga tao sa mga bagay-bagay na political.

Our history chronicled and documented all forms of abuses during the reign of the conjugal dictatorship.Kung babalewalain natin ang mga ito at magtitiwala na ang abuso noon eh hindi mauulit ngayon dahil sa anti-terror bill, sadyang gullible ba tayong lahat o madali lang para sa ating makalimutan ang mga kwento ukol sa batas military dahil wala tayong first hand experience tungkol dito?

Hindi ba tayo dapat basta magtiwala na lang sa pag-aaral at pagpapaliwanag ni Mrs. Gomez? Mananalig ba tayo dapat na interest ng mga mamayan at kapwa niya Pilipino ang kanyang isinalang-alang kaya ganun na lang ang pananalig niya sa bill dahil ang ultimate goal nito ay tunay na katiwasayan at kapayapaan sa Pilipinas nating mahal?

May clear and present danger nga bang nakaamba at ang mga terorista eh nandiyan lamang sa tabi-tabi? O mas dapat ba nating katakutan ang kalabang walang mukha at katawan, ang pesting veerus na patuloy na kumikitil sa mga buhay?

Related Posts

Kung talagamg kumbinsido si Aling Lucy sa merito ng anti terror bill, naway tama nga talaga ang kanyang sinasabi at hindi darating ang panahon na may sisihan at sumbatan kung saka-sakaling ang mga agam-agam at takot tungkol rito, ay katotohanan.

Masyadong pa nga bang maaga para pagdabugan ng bangs si Congresswoman Lucy Torres-Gomez? Abangan kung siya nga ay kakampi o kalaban ni Inang Bayan.

Tony, JC palaban sa baklaan

Off to a good start ang Petersen Vargas’ “Hello Stranger.”Maganda ang digits sa premiere episode nito at mas overwhelming ang likes kesa sa dislikes.

Ang pinaka-like ko sa lahat, pareho pero magkaiba ang kaguapuhan nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Maharot at pilyo ang Xavier ni Labrusca at si Alcantara naman, with his puppy dog eyes and seeming innocence, eh talagang pang matinee idol ang datingan ni Mico.

Panalo rin ang rest of the cast dahil lahat sila artistahin ang dating on screen lalong-lalo na si Patrick Quiroz bilang Seph at Miguel Almendras bilang JunJun.

In true BL fashion, si Vivoree Esclito nga bilang Kookai ang may hidden pagnanasa kay Mico at babaing bubog nga si Gillian Vicencio bilang Crystal na jowa ni Xavi.

Ayoko pa siyang ikumpara sa isa pang big Pinoy BL, ang Gameboys dahil magkaiba naman silang dalawa.

At mataray ang emote na may poetry class kung saan mag-vo-volt in sila para i-analisa ang “Sa Kasintahang Iniwan” ni Benilda Santos. Hindi ba medyo mataas ang antas?

Leave A Reply

Your email address will not be published.