Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lufthansa pakner ni Lucio Tan dapa sa pandemya

0 40

Magbabawas ng karagdagang 300 tauhan ang Lufthansa Technik Philippines simula April 1, para makatawid ito sa dagok ng pandemya na dulot ng COVID-19.

Ang naturang kompanya ay joint venture ng Lufthansa Technik AG at ng MacroaAsia Corporation ni Lucio Tan. Pangunahing negosyo nito ay maintenance, repair at overhaul ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, Clark, Mactan sa Cebu, at sa mga paliparan sa Kalibo, Aklan at sa Davao.

Sinabi sa pahayag ng kompanya na dahil marami nang mga airline ang nagbawas ng mga eroplano at ang iba ay nahaharap sa bankruptcy proceedings, malaki ang nabawas sa negosyo nila.

Nabatid ng Abante Tonite sa Lufthansa Technik Philippines na bago ang pandemya ay nasa 3,400 ang kanilang mga tauhan. Subalit bumaba na ito sa 3,000 dahil may mga tauhan sila na hindi na naregular at may mga nagbitiw na rin sa trabaho. Pagkatapos ng tanggalang gagawin sa dalawang phase, 2,700 na lamang ang maiiwan sa kompanya.

Napag-alaman pa na nalugi na umano ng P450 milyon ang Lufthansa Technic Philippines mula Enero hanggang Setyembre 2020, malayong malayo sa P1.5 bilyong tinubo nito sa parehong mga buwan noong 2019. Ang revenue o kinita naman nito ay halos nangalahati sa P6.1 bilyon noong unang tatlong quarter ng 2020 samantalang nasa P11.1 bilyon na ito sa unang tatlong quarter ng 2019. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.