Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lugar sa Malabon, ni-lockdown

0 211

Sinimulan nang isailalim sa ‘special concern lockdown’ ang ikatlong lugar sa Malabon City para mapababa ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease.

Ang kahabaan ng Sanciango Street, Barangay Catmon ng nasabing lungsod ay naka-lockdown simula kahapon ng madaling-araw na matatapos sa July 10, 2020.

Habang naka-lockdown, magsasagawa ng targeted testing at paiigtingin ang contact tracing ng mga kawani ng City Health Office habang maghahatid ng ayuda gaya ng mga food pack sa mga residente.

Unang sinailalim sa special concern lockdown ang Sitio 6, Barangay Catmon noong June 17-21, 2020 habang nitong Sabado ini-lockdown din ang Barangay Dampalit na natapos noong Lunes. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.