Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lugmok na ang mga magsasaka

0 510

Binulaga kamakailan ang ating mga rice farmer o magpapalay matapos lumabas ang Executive Order No. 35 na nagbababa ng taripa sa inaangkat na bigas mula sa non-Asean na mga bansa.

Kasi nga naman, dapa na sila ngayong pandemya lalo pa silang padadapin kung ipapatupad itong EO. Kawawa din naman ang ating mga kababayang magsasaka, wala na silang kikitain pa.

Sa ilalim ng EO 135, babawasan ang mga tinatawag na ‘most favored nation’ o (MFN) ng taripa para sa bigas sa 35 percent mujla sa 40 percent para sa in-quota imports at 50 percent naman sa out-quota imports.

Paliwanag ng Malacañang, ang direktibang ito ay para ma-diversify ang market sources, madagdagan rice supply, manating abot-kaya ang presyo at mabawasan ang pressure sa inflation.

Pero kinuwestiyon ng mga magsasaka. Sabi ng Federation of Free Farmers (FFF). Walang basehan ang tariff adjustment na ito. Nagbigay panga sila ng ilang punto para tutulan ang nasabing EO.

Anila, rice market sa bansa ay bukas naman talaga para mga import mula sa anumang bansa. At batay sa rice inventories at projected domestic projected domestic figures, hindi na kailangan dagdagan ang suplay sa kasalukuyan. Ika nga sapay naman ang suplay sa ngayon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), stable naman daw ang presyo ng retail rice sa unang buwan na 2021 at mas mababa kumpara noong 2019.

Bukod diyan, ang kasalukuyang inflationary pressured, ayon sa FFF, ay dahil sa mataas na presyo ng karne at isda at hindi sa bigas. Kaya nga paniwala nila, ang pagbaba ng import cost ay hindi nangangahulugan na bababa ang presyo ng bigas at ng iba pang mga pangunahing bilihin.

SM food to go Banner Ad

Kaya nga raw ang pinakamainam na solusyon ay hikayatin ang ating mga magsasaka na paigitingin pa ang kanilang rice production para maging sapat ang suplay ng bigas sa ating bansa.

Isa pa, ang pagbawas na taripa sa rice import ay magreresulta sa pagkawala ng tariff revenue ng pamahalaan na siya namang makakabawas din sa pondo sa mga programa para sa mga magsasaka.

Sabi ng ni Senador Kiko Pangilinan, ‘double whammy’ daw itong EO na ito sa ating magsasaka dahil malaki ang epekto nito sa kanila sa buong rice industry. Kapag nangyari kasi yan, malamang mabawasan ang Rice Competitiveness Enhance Fund o RCEF) at dadami pa ang kalaban nila sa merkado

“Patay na naman ang rice farmers natin. Dapa na ang ating mga magpapalay dahil sa tuloy-tuloy na pasok ng imported rice. Sumubsob pa dahil sa pandemya. Ngayon, parang ililibing na sila sa hirap sa ulat na pagbaba ng taripa,” sabi ni Pangilinan.

Sana naman nakonsulta ang sektor ng magsasaka bago nagrekomenda ang ating mga economic manager para babaan ang taripa sa rice import. Sana pinakinggan muna ang kanilang panig.

Ang nakakatakot kasi diyan, kapag lumiit na ang kita ng mga magsasaka o tuluyang mawalan ng kita, eh malamang hindi na sila magtanim dahil babahain na tayo ng mga imported na bigas.

At kapag hindi na sila nagtanim, lali na lang aasa sa mga imported na bigas. So ibig sabihin niyan, hawak na ng ibang bansa ang suplay natin ng pagkain. Huwag naman sana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.