Abante Tonite Interactive

Lugo, Mapua masigla; niresbakan ang Baste

0 192

STANDINGS

TEAMS W L

*SBU 17 0

*LPU 12 4

CSJL 10 6

SSC-R 9 7

MU 8 8

CSB 7 9

UPH 5 10

JRU 4 11

AU 4 11

EAC 3 13

*semifinalistS

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

12:00 nn – CSJL vs UPH (Men)

2:00 pm – LPU vs JRU (Men)

4:00 pm – EAC vs AU (Men)

Kinapitan ng Mapua Cardinals si Noah Lugo upang mapaghimagsikan ang first round tormentor San Sebastian Stags, 90-73, sa 95th NCAA men’s basketball tournament second round second second game Huwebes nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagtala si Lugo ng 22 points upang ilista ang 8-8 karta at kapitan ng Cards ang fifth spot, malaki pa ang tsansa na sumampa sa susunod na phase.

Napagsarhan na sana ng pinto sa semifinals ang MU at Benilde Blazers kung nanalo ang Stags, ‘di natinag sa ikaapat na puwesto sa pagsalampak ng kartada sa 9-7.

May tigalawang laro pa ang mga nabangit na team, pero bawal nang kumurap ang Cards lalo na ang nasa 6th slot CSB (7-0) sa kanilang natitirang laro.

Kontrolado na ng Intramuros-based team ang simula pa lang ng labanan, umaabante ng walong puntos, 68-60 sa wakas ng third quarter.

Nakatuwang ni Lugo sa opensa sina Laurenz Victoria at Cyril Gonzales na nagtala ng 18 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod, kaya ‘di na sila naabutan sa fourtf period.

Namuno sa Baste si RK Ilagan na sumuwag ng 19 puntos.

Ang iskor:

MU 90 – Lugo 22, Victoria 18, Gonzales 15, Bunag 9, Gamboa 8, Garcia 6, Bonifacio 4, Salenga 2, Nieles 2, Serrano 2, Nocum 2, Aguirre 0, Dela Cruz 0

SSC-R 73 – Ilagan 19, Bulanadi 18, Calahat 10, Villapando 9, Calma 4, Sumoda 4, Altamirano 3, Desoyo 2, Loristo 2, Suico 2, Tero 0, Isidro 0.

Quarters: 23-15, 46-39, 68-60, 90-73. (Elech Dawa)