Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis aminadong pangit umiyak

0 47

Sa kanyang vlog, nagbalik-tanaw si Luis Manzano sa hindi niya makakalimutang karanasan sa pag-arte.

Nagtravel down memory lane rin siya tungkol sa unforgettable experience niya sa paggawa ng mga teleserye tulad ng Kampanerang Kuba , Crazy for You, Rounin, Dyosa at iba pa.

Sa seryeng Kampanerang Kuba na nakatambal niya si Anne Curtis, hindi raw niya malilimutan kung paano nasayang ang exposure niya sa isang eksena.

Ito raw ay iyong wedding scene nila ni Anne .Effort na effort daw siya sa pag-iyak habang nagta-transform naman ang character ng kapareha niya from an ugly duckling to a beautiful girl.

Sa halip daw na mapokus sa kanya ang kamera, natalbugan daw siya ng highlight ni Anne sa nasabing eksena.

Gayunpaman, siya man daw ay naasiwa sa nasabing eksena dahil pangit na pangit daw siya sa sarili kapag umiiyak.

Toni muntik nang madedo

Sa serye namang “Crazy for You” na pinagtambalan nina Luis at Toni Gonzaga, naikuwento niya na muntik na raw madedo ang kanyang kapareha.

Muntik na raw kasi itong mahagip ng sasakyang dumadaan habang sila ay nagso-shoot sa isang pamosong kalye sa ibang bansa.

Sa kaso naman ng scifi-action series na Ronin, enjoy raw siya sa stunts na ginawa niya sa nasabing serye kung saan state of the art daw ang ginamit na visual effects.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Dyosa naman, doon daw niya naranasan ang mag-emote while doing a song number.

Speaking of movie, memorable raw sa kanya ang pelikulang “In My Life”. Nakasama niya ang momskie niya na sina Vilma Santos at John Lloyd Cruz.

Ito rin daw ang unang pagkakataon na nanalo siya ng best supporting award sa Gawad Tanglaw, PMPC Star Awards for Movies at Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Jane,Janella ‘dedmahan’ sa taping

Gaano katotoo na may tensyon na namamagitan kina Jane de Leon at Janella Salvador sa set ng Darna series?

May mga tsikang nagdededmahan daw ang dalawa sa taping ng kanilang fantaserye.

May mga nagsasabing tila threatened daw si Jane kay Janella. May mga pagkakataong akting na akting daw ang huli kaya feeling niya ay bet siyang lamunin nito sa mga eksena.

How true rin daw na intimidated si Jane sa gumaganap na arch nemesis niya dahil mas maingay pa ito at pinag-usapan kesa sa pag-aanunsyo sa kanya?

May mga tweet naman ang mga marites na umano’y ‘banta’ rin daw si Janella kay Jane dahil nanumbalik ang closeness nila ni Joshua.

Naging loveteam kasi ang JoshNella sa seryeng ‘The Killer Bride’.Nakitaan sila roon ng kakaibang chemistry.

Si Joshua ang gumaganap na love interest ni Jane sa Darna:The TV series.

Leave A Reply

Your email address will not be published.