Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis aprub sa relasyong Edu-Cherry Pie

0 209

Ni: ARCHIE LIAO

Marami ang kinilig sa nag-circulate na sweet photo nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa social media.

Katunayan, maraming netizen at mga kasamahan nila sa showbiz ang natutuwa para sa pagkakamabutihan nila.

Hoping lang sila na ‘forever’ na ang kanilang relasyon.

Sa panayam naman ni G3 San Diego, natanong si Luis Manzano tungkol sa kanyang reaksyon sa bagong karelasyon ng ama.

Isang biro naman ang itinugon ni Luis sa tanong sa kanya ng writer turned vlogger.

“Feeling ko nga eh kung nagkataon lang na let’s say by next year, kunwari lang, we’re hoping and praying na maibalik and prangkisa ng ABS, feeling ko baka si daddy saka si Tita Pie baka itapat sa KathNiel,” sey ni Luis.

Hirit pa niya, pagdating kasi sa lovelife, hindi siya nakikialam sa ama, in the same way, na hindi rin ito nanghihimasok sa kanyang buhay-pag-ibig noon.

Gayunpaman, suportado raw naman siya ng daddy niya sa anumang endeavors niya.

Naniniwala kasi ang dad niya na makakagawa na siya ng tamang desisyon tulad ng pagkabilib din niya rito sa pag-handle ng mga bagay na may kinalaman sa usapin ng puso.

Sa naturang panayam, ikinuwento rin niya kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagong karelasyon ng ama.

“I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy,” pagbibida niya.

Aniya, kung saan daw happy ang ama ay masaya na rin siya.

Aprub din siya kay Cherry Pie dahil bukod sa mabait at matalino ay maalaga raw ito.

Nakatrabaho na rin daw niya ang aktres sa seryeng “Kampanerang Kuba.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.