Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis ‘binudol’ si Jessy

0 102

NI:ARCHIE LIAO

Sa kanilang vlog, pinag-usapan ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang madalas na assumptions sa kanila ng mga tao. Ito’y sa episode na ‘Answering Assumptions About Our Relationship.’

Isa sa mga napagdiskusyunan ay ang perception ng mga netizen na ang TV host-actor ang nagbabayad sa lahat ng gastos sa kanilang household expenses.

Ani Luis, wala raw katotohanan ito dahil kahit noong hindi pa sila kasal ay may unwritten na agreement na raw sila na hati sa mga gastos.

Gayunpaman, hindi raw naman kasama rito kapag nagreregalo sila sa isa’t-isa.

Sey pa ni Luis, hindi raw “one-sided” ang kanilang relasyon ni Jessy.

Katunayan, hindi raw naman sa nagbibilangan pero iyon na raw ang nakagisnan nila.

“Kaya kong sabihin. Mula nung naging kami up to kinasal kami up to this day na nagka-conversation tayo, hati talaga kami sa lahat. May kanya-kanya kaming toka,” ani Luis.

Nagbigay pa siya ng ehemplo tulad ng gastos sa pagkain nila sa labas.

“May days na ako, may days na siya ang gumagastos,”pagbabahagi ni Luis.

Dagdag pa niya, may mga pagkakataon pa nga raw na nauutakan pa niya ang kanyang misis.

“Tina-try ko palaging gawan ng paraan na kapag mahal yung restaurant, siya,” may halong pagbibiro niyang pahayag.

Pagdating daw naman sa pagbibiyahe nila lalo na sa abroad, split din daw sila sa gastos.

Madalas ang natotoka raw sa pamasahe ay si Luis samantalang si Jessy ang nagbabayad ng kanilang room accommodation.

Pagbabahagi pa nila, masaya raw naman sila sa ganoong set-up.

Leave A Reply

Your email address will not be published.