Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis binuking pantasya ng utol si Nadine

0 100

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram account, tinanong si Luis Manzano ng isang IG user na si minnettelauro23. Ito’y tungkol sa half-brother nitong si Ryan Christian Recto, anak ni Congresswoman Vilma Santos kay Ralph Recto.

Tanong ng nasabing netizen: @luckymanzano, totoo po ba na crush ni Ryan c Nadine Lustre?

Wala namang kagatul-gatol o walang paliguy-ligoy na nag-reply si Luis na : @minettelauro23, yup.

Dahil dito, nabuking na pinapantasya pala ng youngest son ng Star for All Seasons ang ex ni James.

Hirit tuloy ng ibang kibitzers, morena raw pala ang type ni Ryan kumpara kay Luis na ang nakatuluyan ay isang mestiza.

May mga nang-iintriga ring baka nara-rattle na si Ryan sa ginawang pambubuking sa kanya ng kapatid.

Sey naman ng iba, wala raw namang masama kung magkaroon ng crush ang nakababatang Batanguenong Recto kay Nadine.

Dagdag pa nila, kahit pa nababalitang may inspirasyon na ito, wala pa raw namang kumpirmasyon na boyfriend na nito ang natsikang French companion nito sa Siargao.

Ito naman ang reaksyon ng ilang mga netizen sa rebelasyon ni Luis.

“Very unique kasi ang beauty ni Nadine. Very Filipina pa.”

“I doubt sa “very filipina” she looks very kardashian e ”

“I know right. His brother must be embarassed now.”

“Crush din nya before si Angel. He has a type then.”

“Maganda nman siya naturally basta hwag lang masobrahan ng makeup at contour.”

“May balak na sulutin kay James o sa foreigner na dyowa? Hahaha.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.