Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis ‘pinagkakitaan’ si Alex

0 118

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Luis Manzano ang kanilang kulitan ng kaibigang si Alex Gonzaga.

Ito ay sa okasyon ng photoshoot ng kanilang commercial.

Sa simula pa lang ng kanilang shoot, pinaghandaan na ng PMPC Star Awards for TV Best Talent Search Program host ang kanilang engkuwentro ni Alex.

Agad pa siyang nagbiro na mas gugustuhin pa raw niyang mag-root canal kaysa makasama o makita nang malapitan si Alex.

Sa nasabing vlog, ipinakita rin niya ang batuhan nila ng makukulit na linya ni Alex habang isinasagawa ang bago nilang proyekto.

“O, so ngayon, pinagkakakitaan mo na naman kami?” pabirong banat ni Alex.

“Kaya ko lang ginawa ‘to dahil feeling ko kulang ka pa sa subscribers, willing akong magbigay sa’yo ng konti,” resbak naman ni Luis.

Buong shoot, walang ginawa ang dalawa kundi patawanin din ang kanilang mga kasama sa trabaho kaya mabilis itong natapos.

Naikuwento nilang magkakaroon ng collab video sina Alex at ang mommy ni Luis na si Vilma Santos. Si Luis naman ay makakasama ang mga magulang ni Alex na sina Bonoy at Pinty Gonzaga sa YouTube channel ng mga ito na ‘BoPin.’

Aliw naman ang kanilang collab bagamat may mga netizen na nagkomento na ginagamit daw ni Luis si Alex para maparami ang kanyang subscribers sa YouTube channel nito.

Isa kasi si Alex sa Pinoy celebrities na may pinakamaraming followers.

To date, 11.7 na ang subscribers ni Alex samantalang si Luis ay merong 1.08 subscribers sa YouTube.

Heaven galante sa dyowa

Sa “Drink or Spill”challenge, sumalang sa kakaibang hamon si Heaven Peralejo.

Sa naturang challenge, may choice siya kung sasagutin niya ang mga tanong na ipupukol sa kanya ng mga kaibigan.

Kung sakaling mag-pass siya, kailangan niyang uminom o mag-shot ng alak.

Sa tanong kung sino ang first kiss niya, minabuti niyang hindi ito sagutin kaya lumaklak na lang siya ng alak.

Sa huntahan din nila, naibahagi niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang ex-boyfriends.

Aniya, tatlo raw ang naging ex bagamat dalawa lamang ang alam ng publiko. Hindi na rin niya pinangalanan ang mga ito.

Inamin din niya na sa isang ex niya ay nakagastos daw siya ng kalahating milyon para lamang ipangregalo rito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunpaman, hindi raw naman siya nagsisisi dahil minahal daw naman niya iyong tao at ganoon daw naman talaga ang nagmamahal.

Tinanong naman ng aktres ang dalawa niyang kaibigan kung sa lahat ng naging boyfriend niya ay kanino boto ang mga ito.

Wala namang kagatul-gatol na sumagot sila na bet nila ang ikalawa sa naging ex nito.

Naging guessing game naman sa mga katkatera kung kanino naging galante sa pagreregalo si Heaven: kung kay Jimuel o kay Kiko Estrada na huli niyang nakarelasyon.

Tungkol naman sa estado ng kanyang lovelife, proud na ibinalita ni Heaven na single siya ngayon at nagi-enjoy daw siya sa ganitong situwasyon dahil napagtutuunan niya ang panahon ang sarili at ang pamilya niya.

Alexa pinaiyak ni Big Brother

Si Alexa Ilacad ang isa sa celebrity housemates na pasok sa Pinoy Big Brother Season 10.

Noong bago pa siyang pasok sa nasabing reality show, supladita ang first impression sa kanya ng kanyang housemates dahil sa pag-entra pa lang daw nito ay di na sila binati.

Pero as time goes by, nadiskubre nila na hindi naman pala ganoon ang ugali ng Kapamilya actress. Pinatunayan nitong team player naman ito.

Sa unguarded moments niya, nahuli siya ng kanyang ka-close na si Eian Rances na umiiyak.

Tinanong siya kung bakit lumuluha ang aktres.

Ani Alexa, naalala lang daw niya ang sinabi sa kanya ni Kuya nang ipatawag siya nito.

Pagtatapat pa niya, sobrang bait daw pala ni Kuya at labis siyang na-touch sa sinabi nito sa kanilang naging heart-to-heart talk.

In-encourage lang daw siya ni Kuya na ipagpatuloy lang ang ginagawa niyang pagpupunyagi sa buhay at pati na sa bahay.

Hindi rin niya naiwasang ilabas ang kanyang saloobin kasama na ang ilang frustrations niya sa showbiz.

Aniya, matagal na raw siya sa imdustriya pero never pa raw dumadating ang break niya na magbida sa pelikula.

Iyong role raw niya sa “Four Sisters Before the Wedding”ay hindi niya masasabing solo niya dahil apat silang bida roon.

Gayunpaman, ayaw raw naman niyang maging bitter. Hindi niya trip na ikumpara ang kanyang sarili sa iba dahil naniniwala siyang ang dapat niyang itinatanong ay “me-when?”

Pumasok daw siya sa bahay ni Kuya dahil naniniwala siyang mahahasa pa ang kanyang personalidad pagdating sa people skills at the same time, baka raw ito ang maging daan para mapansin na siya at mabigyan ng matitinding breaks sa showbiz tulad ng pagbibida.

Leave A Reply

Your email address will not be published.