Abante Tonite Interactive

Luis ginisa sa engagement ni Angel

923

Inupakan si Luis Manzano dahil sa sagot tungkol sa engagement ni Angel Locsin kay Neil Arce. Matatandaan na ex-girlfriend ng TV host ang aktres at naghiwalay sila taong 2016.

Sa isang interview kasi ay hiningi ang reaksyon niya sa naturang engagement. Sagot niya, “‘Wag niya ako idamay sa kuwento niya. Hindi kailangan ng opinyon ko diyan o pangalan ko diyan. Basta wala akong kinalaman sa kuwento niya.”

Ginisa tuloy si Luis ng mga netizen. Ani @buchay4, “Ghad inaano ka ba ni Angel that ‘wag NIYA ko idamay sa kwento niya’ Sorry pero hindi ka po nakakatuwa sa part na yan kuya @luckymanzano.”

Umalma naman ang aktor sa tweet at nilinaw ang sinabi niya sa interview. Sey niya, “Uulitin ko lang, one for the road, last na. i meant ‘wag niyo na’ baka mabilis pagkakasabi ko kaya ganun labas ang love story nila ay kanila di na kelangan ng opinyon namin.”

Hindi naman kumbinsido ang mga netizen sa paliwanag niya at sinasabing pareho lamang ang konteksto sa kung anong ibig niyang sabihin.

@myangellove23, “Hahaha!!! Ayan na para fair sayo, kaso mabilis man o mabagal iisa pa din talaga kinalabasan ng sinabi mo.”

@TasselGirl, “Sometimes, it is actual­ly not about what you say but the way you say it.”

Ipinagtatanggol rin ng ibang netizen si Angel at sinasabing hindi naman umano ito dinadamay sa personal nitong buhay.

@EugeneAndrei2, “Madami ka ba basher mas lalo dadami bashers mo..panuodin mo mga interviews kay Angel at never nya binanggit name mo.”

@BelenErmita, “Talaga lang ulitin mo kaya video mo para marinig mo sinasabi mo d ka inaano ni Gel reporter nagtanong sayo denial ka pa at sino ka namn para idawit ka d ba tapos na nga kayo at naka move on na siya.”