Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis inalok na magsayaw nang hubo’t hubad

0 60

Sa Lie Detector challenge, tinanong ni Jessy Mendiola si Luis Manzano tungkol sa mga personal na bagay sa buhay nito.

Ani Luis, nakapag-cutting classes na raw siya noong nag-aaral pa siya para maglaro sa mga arcade.

Napagsabay din daw niyang makipag-date sa dalawang babae noong nasa high school at college pa siya pero never daw naman itong naging exclusive.

Nakipag-break na rin daw siya sa ex niya thru text.

Nakatanggap na rin daw siya ng alok thru text na magsayaw o gumiling sa bachelorette party nang hubo’t-hubad.

Sa tanong naman kung sumagi ba sa isip niya ang maging experimental pagdating sa kama, game namang sinagot ni Luis na type raw niya iyong tipong buwis-buhay.

Naniniwala kasi siyang nakapagdaragdag ito ng excitement para mag-evolve ang relationship ng married couple.

Bet daw niya iyong may pinapatakan ng kandila hanggang tumirik ang mga mata.

Kinumusta naman ni Luis ang naging sexperience ng misis noong nakaraang gabi.

Hirit ni Jessy, nagiging wild at bastos na raw ang kanyang mister.

Sey naman ni Luis, pinakasalang bastos raw siya ni Jessy kaya mamamatay din daw siyang bastos.

Sa question naman kung naniniwala siyang money can buy happiness, aniya, maaari raw makapagdagdag sa kaligayahan ng isang tao ang pera pero hindi raw ito ang tunay na kahulugan ng pagiging maligaya.

Sharon windang kina Kiko ,Tito
 
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpahayag na ng suporta si KC Concepcion sa kandidatura ng kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan sa pagka-bise Presidente sa 2022 national election.

Ngayon naman abangers ang netizens kung kaninong kandidatura ang susuportahan ng Megastar na si Sharon Cuneta na wala pang ini-emote sa kanyang Instagram.

Magkalaban kasi sa puwesto bilang pangalawang pangulo ng bansa ang kanyang mister na si Kiko na standard bearer ng Liberal Party at ama-amahang si Tito Sotto na pambato ng Nationalist People’s Coalition.

Hirit tuloy ng kibitzers, naninimbang daw ang Megastar sa dalawang taong malapit sa kanyang puso. Windang siya ngayon .

Alam naman ng lahat kung gaano ka-close si Shawie sa mga Sotto and at the same time, asawa niya ang makakatapat nito.

Sa totoo lang kasi, sa pulitika sa Pilipinas, ang mga magkakapamilya at mga magkakaibigan minsan ay nagkakawatak-watak dahil sa kanilang mga opinyon sa kanilang mga minamanok na mga kandidato.

Karla kinuyog ng mga KathNiel fan

Naging trending ang #WithdrawKarlaEstrada sa Twitter universe nang araw na mag-file ng kanyang kandidatura bilang party-list representative.

Sumanib siya kay Rep. Yedda Romualdez

Na isa sa mga bumoto para idenay ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN noong nakaraang taon.

Hirit ng mga nagpoprotesta at ilang KathNiel fans, nasaan daw ba ang delicadeza ng aktres?

Puwede raw naman itong kumandidato pero sana raw ay sa ilalim na lang ng ibang partido.

May mga kumukuwestiyon din sa loyalty nito sa network na nagpala sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.