Abante Tonite Interactive

Luis-Jessy, hinog na para pa kasal

42

NAPAPAG-USAPAN na nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kasal. Pero wala pang final decision kung kailan.

Hindi pa nag-propose si Luis kay Jessy.

Sabi ni Cong. Vilma Santos, hinihintay lang niyang kausapin siya ng magkasintahan kung ano ang plano nila.

Sila ang makakapag-decide at hindi siya.

“Nasa kanila na lang ‘yun dahil pareho na ­silang mature, lalo na si Lucky,” sey ni Ate Vi.
“Hindi naman ako ang magdesisyon d’yan. Basta ang alam ko, they’re very happy.

“Nagsasama-sama kami dito minsan, ­every other Sundays. They come here, we talk.

“Pero ‘yung sinasabi na talagang pinag-uusapan na ‘yung kasal, hindi pa naman sila lumalapit.

“I don’t know. ­Maybe soon, I don’t know. ­Sila naman ang magsasabi nu’n.

“I’m 100 percent sure sasabihin nila pag ­handa na sila,” pahayag ni Cong. Vi.
Alam ni Luis na nandiyan lang siya kung kailangan ang kanyang payo.

“Nandito lang ako to guide. Pero I know my son, very responsible naman ‘yan,” sabi pa ng ­actress/politician.