Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis, Jessy next year ang kasal

0 121

October pa pala naganap ang engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola pero last Saturday lang nila ito inanunsyo sa publiko sa pamamagitan ng kani-kanilang social media account. Naghintay daw ng tamang pagkakataon ang dalawa para maibahagi ito sa buong mundo.

Sa panayam ng engaged couple sa TV Patrol last Saturday, inamin ni Jessy na na-shock siya nang mag-propose si Luis sa kanya.

“When he finally asked you that question, ‘yung ‘will you marry me?’ minsan, hindi ka na makakasalita. Ako talaga, I was so shocked, hindi ako makasalita, but you know, finally, kapag nasuot mo na ‘yung ring, nandu’n na ‘yung feeling na ‘ah, ‘eto pala, ‘eto na talaga pala ‘yun. He’s really the one na,’” kwento ni Jessy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Thankful din ang aktres na hinintay talaga ni Luis na maging ready siya bago mag-propose.

“He respected my timeline also. When we got together kasi, hindi ko naman sinasabi na matanda na siya,” natatawang sey ni Jessy.

When asked kung kailan ang kasal, sagot ng aktres, “we’re looking at next year.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.