Abante Tonite Interactive

Luis may kakambal na K-pop singer

427

Tawang-tawa kami sa post kahapon ni Luis Manzano na mga larawan niya at ng miyembro ng South Korean boy group, Super Junior na si Choi Si Won. Pinagkumpara niya ang hitsura nila na in fairness, magkamukha naman talaga as in malaki ang similarity.

Sa caption ay itinag pa niya ang singer at nagpakilalang siya raw ang twin brother nito sa Pilipinas.

“Pambihira naman, @siwonchoi meet your twin from the Philippines Sipon Choi! Let’s collab bro (kung maka bro parang magkasama lumaki) kung siya Oppa, ako Oh-ha?” caption ni Luis.

Natawa ang mga follower niya at maging ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola na nag-react ng tatlong laughing with tears emoji.

Ang dami namang um-agree na magkamukha talaga sila ni Choi Si Won. May nagsabi namang mas guwapo pa siya kaysa sa Koreano. At suportado nila ang collab na request ni Luis.

May nang-asar din na nagkomento ng “Try niyo po mag pa check up gagaling po kayo.”

Well, abangan natin kung sasagot si Choi Si Won sa request ni Luis.

Jon aminadong kasalanan ang pagkaka-tsugi sa ‘Showtime’

Marami ang nagsasabi na very timely ang pag-alis ni Jon Lucas sa ABS-CBN dahil nga nahaharap ngayon sa problema ng renewal of franchise ang Kapamilya at maraming artistang mawawalan ng trabaho ‘pag nagkataon.

Pero ayon kay Jon, hindi niya ikinatutuwa ang bagay na ito at ikinalulungkot pa nga niya dahil marami rin siyang kaibigang mawawalan ng trabaho roon if ever.

Dagdag pa niya, nang umalis daw siya sa ABS-CBN ay wala naman daw siyang alam na may ganitong problema at nagkataon lang daw talaga na paglipat niya ay nagkaroon ng renewal issue.

Kaya raw siya lumipat ay dahil gusto niyang mag-explore bilang aktor and that time ay matagal na rin siyang walang project sa Kapamilya.

Aminado naman si Jon na may kasalanan din siya kung bakit siya natanggal noon sa “It’s Showtime” at ito nga ay dahil nakabuntis siya.

Ngayon ay walang pinagsisisihan si Jon sa lahat ng nangyari dahil sobrang happy raw niya sa piling ng asawang si Shy Faras at sa 2-year-old son nilang si Brycen.