Abante Tonite Interactive

Luis, nai-STRESS sa kasal

By
14

SA February 17 ang wedding nina Luis Alandy at Joselle ­Fernandez sa isang out of town na simbahan.

Ayon kay Luis nang makausap namin kamakalawa sa presscon ng Die Beautiful, medyo nakaka-stress ang prepa­ration dahil maraming mga dapat ayusin.

Isinisingit sa hectic schedules niya ang pag-asikaso ng ilang detalye para sa wedding, gaya ng pagharap sa ­suppliers, pati seminar sa simbahan.

“It’s a good thing din na you just learn to accept the blessings from God na everyday na… syempre, nangyayari minsan na nate-tense ka, nakaka-stress financially,” napapa­ngiti niyang pahayag.

“Marami kasing on the side na kailangang bayaran at ­nagkakaroon, na hindi ­natin maiwasan. Hindi naman ­kami showbiz na sponsored lahat, eh.”

Pero handang-­handa na raw siya dahil sa edad na 36, kaila­ngan pa raw ba niyang magpaka-­single?

Sa kanilang magkakapatid, siya na lang ang single.

Si Luis pala ang tipong ­hindi naniniwala sa live in.

Kahit may chance ­sila ng kasintahan niyang mag-live in muna, pero mas gusto niyang magsama ­sila pagkatapos ng kasal.

“We respect kasi the importance of how we value the family.

“Siyempre, isipin mo ba na kung hindi mag-work, hindi na kayo magpapa­kasal? Hindi ­kami ganu’n, eh,” saad ng ­aktor.

Nagpapasalamat din si Luis sa suporta ng ­babaeng pakakasalan ­niya pati ang pamilya nito sa kanyang trabaho bilang artista. Wala raw mababago sa kanya, pero siya na mismo ang magli-limit ng roles na gagampanan niya.

Ayaw niyang mapanood ng magiging anak nila ang mga pelikula ­niyang hubaran dahil ­ayaw niyang makilala ito ng anak na bold actor.

“Pag nagkaroon na siguro ng anak, du’n na siguro ako mag-iisip na ang mga pro­jects na gagawin ko, ‘yung ikaka-proud ng ­magiging anak namin.

“Saka ilang taon na siguro ako nu’n, ­hindi na siguro ako kanasa-nasa nu’n,” pahayag ni ­Luis.