Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis nang-okray sa kasalang Alex, Mikee

0 206

NI: VINIA VIVAR

Naaliw ang mga netizen sa sagutan nina Alex Gonzaga (now Mrs. Mikee Morada) at kaibigang si Luis Manzano sa Instagram.

Nag-post si Alex ng wedding photo nila ni Mikee kahapon and proudly announced na kasal na nga sila.

“Netizens, we are married!” ang caption ni Alex.

Sa comment section ay nag-joke si Luis. Aniya, “alam naman ni Mikee?”

Sumagot naman si Alex ng “@luckymanzano kaya ka di naimbitahan e.”

Sagot ulit ni Luis, “nasa ilalim ako ng hagdan, nagmamasid.”

Ang daming nag-comment sa thread at puro “hahaha” ang mababasa sa mga komento.

Anyway, sa YouTube vlog ni Alex na in-upload din niya kahapon ay ikinuwento nilang mag-asawa na November last year pa sila ikinasal at kung tutuusin ay nasa honeymoon stage pa nga sila.

Ikinuwento rin niyang kakaiba ang set-up nila ngayon dahil kahit mag-asawa na sila ay hindi pa rin sila araw-araw na magkasama sa bahay. Tuwing weekend lang daw umuuwi si Mikee dahil may work ito sa Lipa bilang councilor.

Aliw ang part kung saan ay nagbiro si Alex kung paano matulog si Mikee na lagi raw nakadagan sa kanya.

“Grabe ‘to matulog, laging nakadagan sa akin. Gusto niya, laging double deck kami,” sey ni Alex.

Dahil simple lang ang naganap na kasalan na dinaluhan lang ng kanilang immediate family, plano ng mag-asawa na makapagdaos pa ng big wedding this year kung saan ay makakadalo ang kanilang mga kaibigan at buong pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.