Abante Tonite Interactive

Luis nangangamoy ‘bayot’ rumesbak

1,551

ROMMEL PLACENTE:Muling pinatulan ni Luis Manzano ang bashers niya na tinawag siyang bayot o bading. Ang isa ay may user name na @lesterpalamano6. Sagot niya rito,”kung maka bayot ka naman, as if masama maging bayot. itsura mo nga ‘yung nagnanakaw ng bag sa fastfood.

” Nang mabasa naman ito ng isa pang basher ni Luis na may user name naman na @dubdub_111,ay nagreak ito. Sabi niya, “Luis bakla din po ako. Hindi kita dini-discriminate,dini-describe po kita. Alam.ko at amoy na amoy ko. I hope mahanap mo sa sarili mo ‘yung totoong identity mo po. Hehe idol salamat sa notice. Lab u..”

Ang sagot naman ni Luis dito,”Binura mo nga tweet mo dahil nagmukha kang tanga…so as a gay man, you believe na ikaw dapat mag out na isang tso at hindi sa terms niya? Lupet mo ha, nasa yo pala ang say kung kelan dapat sila ma out in a humiliating manner, tanga nga talaga,’

O ‘di ba hindi nagpatalo si Luis sa kanyang bashers? At ‘yung mga bashers nya kahit noon pa, kapag sinasagot niya ay binubura na ng mga ito ang pangit na comments nila about him. Hindi naman kasi talaga sila uurungan ng binata ni Vilma Santos. Ewan ba naman kasi sa mga bashers ni Luis kung bakit hindi sila tumitigil sa pagsasabi na bayot siya. Wala naman silang katibayan. Basta ako hindi naniniwalang bayot ang boyfriend ni Jessy Mendiola.

RONA RONDA: Napakatindi naman kasi ng basher, totoo man kasi o hindi, walang sinuman ang dapat magdikta kung kailan gustong magladlad ng isang miyembro ng LGBT. May ilan sa kanila ang hindi basta-basta makapag-out dahil sa takot na mahusgahan.

Sabi nga ng isang netizen, “One of the reason kaya hindi pa rin makuha ng LGBT ang respetong dapat para sa kanila ay dahil sa kagaya nitong basher na to.”

Well, maging babae rin naman ay may gaydar kaya for me straight na straight si Luis. Patola man siya sa sinabi niya pero may point naman ang opinyon niya.

MILDRED BACUD: “Patola King na nga ang tawag kay Luis ng ibang netizens dahil halos lahat na lang ng namintas sa kaniya ay pinatulan niya. Maging sa mga basher ng girlfriend na si Jessy Mendiola ay sinasagot niya ha. Unlike other artistas, dedma lang sila.

Personally, I admire Luis for being so transparent and honest. Hindi niya iniisip na artista siya at tao lamang para mag-react. Kaya naman may mga nagtatanggol din naman sa kaniya gaya ng isang netizen na ang sabi ay, “Tong nga baklang bashers na to anlaki inggit sa katawan. Sarili nila dinadown sa pinagsasabi sa social media. Di daw nagdiscriminate pero ang way ng pagtukoy na bayot kay Luis ay may halong pangkutya na parang ang pagiging gay ay dapat kahiyaan at isang second class human being.”

They say we choose our battle,hindi lahat pinapatulan pero nakakawalang composure din talaga ang mga basher mga ka- Cuatros, di ba?

RODEL FERNANDO: Well mga ka-Cuatros ilang beses nang bina-bash si Luis sa kasarian n’ya pero hanggang ngayon ay nganga naman ang mga iyan. Sa totoo lang, ayaw na sana ni Luis na patulan sila pero minsan below the belt na . ‘Yun bang manggigigil ka talaga at mawawala ang pagtitimpi mo.

Kami, naniniwala kaming lalaki si Luis. Hindi naman batayan ‘yung hindi pa siya nag-aasawa para sabihan siyang bading. Pero sa true lang, nakakaelya ang pictorial niya dati sa Cosmopolitan magazine na hubo’t-hubad siya. Pinost nga niya ito kahapon sa kanyang Instagram account .Marami ang pumuri sa mala-Adonis niyang katawan na kanin na lang ang kulang at may ulam na.

Tonite – Wendys Inhouse Ad