Abante Tonite Interactive

Luis napikon sa pekeng sapatos

By
5,579

Nag-init ang ulo ni Luis Manzano sa isa niyang basher matapos siyang akusahan na fake ang suot niyang sapatos.

Nakapaskil sa Instagram wall ni Luis ang photo na suot niya ang isang pares ng bagong rubber shoes.

Pinuri ni Luis ang sapatos dahil sa pagiging komportable nito sa kanyang paa.

Pinatutsadahan ng isang basher ang authenticity ng suot na sapatos ni Luis. Pinalalabas ng basher na fake ang suot ni Luis.

Dahil dito nag-init ang ulo ni Luis at napikon. Sinabihang ‘inggitero’ ang basher.

@luckymanzano, “wag puro inggit sa katawan, magsikap lang kesa sa nega ka, mahirap gumigising araw araw ng inggit ang laman ng utak.”

Sumagot ang basher na parang tinitirya pa si Luis.

iamredgarcia, “@luckymanzano grabe sa inggit. Agad agad? Hahahaha”.

Nanindigan si Luis na inggit ang nararamdaman ng kanyang basher.

“Yep, imbes na manahimik, kailangan pagdudahan, ganyan buhay ng inggit.”

Sinundan pa ito ng isa pang banat ni Luis sa basher.

“Siguro pag may nangyayaring maganda sa pamilya at kaibigan mo, pinag-iisipan mo agad ng masama , tsk.”

Hindi na sumagot pa ang basher.

Kinuyog na rin sya ng mga follower ni Luis.