Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis pinapalayas ang utol

0 203

Sa kanyang Lucky TV, muling nagkaroon ng collaboration ang mother-son tandem nina Vilma Santos at Luis Manzano.

Ibinalita ng Star for all Seasons at incumbent Batangas City Representative na natanggap na niya ang kanyang Silver Play button bilang YouTuber.

Umabot na kasi sa more than 100,000 ang kanyang subscribers sa YouTube.

Aniya, pinag-iisipan daw niya kung saan idi-display ang naturang plaque.

Suhestiyon naman ni Luis, palayasin daw ni Ate Vi sa kanyang kuwarto ang half-brother na si Ryan para may mapaglagyan ng nasabing karangalan. Ito ay sa bahay nila sa Lipa.

Hirit naman ng aktres, hindi raw puwedeng mangyari iyon dahil nag-aaral pa ito.

Pabirong emote naman ng “I Can See Your Voice” host, siya nga raw ay maagang naging independent. Bumukod agad sa kanyang mga magulang nang sumabak sa pagtratrabaho.

Sa kanilang random na tsikahan, napag-usapan din nila ang kanilang dream destination pagkatapos ng pandemya.

Ayon sa beteranang aktres, bet daw niyang muling bumalik sa Paris, France at Seoul , South Korea.

Para naman kay Luis, gusto raw niyang muling magbakasyon sa Japan.Hindi raw kasi sila mauubusan ng lugar na mapapasyalan.

Ayon pa sa mag-ina, crucial daw ang 2022 para sa mga Pinoy lalo pa’t nalalapit na ang May national election.

Leave A Reply

Your email address will not be published.