Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis seryoso na pakasal kay Jessy

0 182

Kinumpirma na ni Luis Manzano ang naging rebelasyon ni Vivian Velez na nagbabalak na silang magpakasal ng girlfriend na si Jessy Mendiola.

Ayon sa post ni VV last July, ang nanay daw ni Jessy ay second cousin niya at noong Pebrero raw ay nagpahayag na si Luis ng intensyong pakasalan ang GF.

Sa online show na Push Bets Live ng push.com, ayon kay Luis ay pinag-uusapan naman daw talaga nila ni Jessy ang tungkol sa kasal noon pa.

“Actually, 1st or 2nd year pa lang namin ni Jessy, pinag-uusapan na ‘yan, and of course, Miss Vivian is right din naman na the intentions are there and will always be there,” ani Luis.

Pagbibiro pa ng panganay na anak nina Cong. Vilma Santos and Edu Manzano, hindi naman daw niya ikinakaila na pa-senior age na siya at talagang papunta na siya sa pagse-settle down.

“Everything I do right now, kung baga, part siya ng grand plan of settling down. Hindi lang ito ‘yung basta, ‘ay tanggap ako ng show para may panggastos ako,’ hindi. Ngayon, tanggap akong ganito para panggastos sa magiging pamilya. May pahabol ng thought na ganu’n,” he said.

Pero hindi na sinabi ni Luis ang mga detalye pa kung kelan ba ang plano nila. Pero sabi nga ni Ate Vi in her recent interview ay “very soon” na raw.

Aiko –Jay nangangamoy 2021 wedding

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa makumpirma ni Aiko Melendez kung 2021 nga ba sila magpapakasal ng boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

Sa latest vlog kasi ni Aiko, natanong sila kung kailan sila magpapakasal. Ang sagot ng aktres ay 2030 habang si VG naman ay 2021.

Kaya naman naitanong itong muli kay Aiko sa recent zoom presscon para sa pagbabalik sa ere ng GMA-7 series na Prima Donnas kung saan ay isa sa cast ang aktres.

Tawa nang tawa si Aiko at sey niya, “let’s wait for 2021. Malapit na naman ‘yun, eh. It’s just a few months away from now. So, let’s see.”

Samantala, hit na hit na naman sa viewers ang karakter ni Aiko sa Prima Donnas bilang kontrabidang si Kendra. Pero ayon sa aktres, baka ito na raw ang last villain role niya.

“Actually, for next year, isa sa plano ko is mag-iba naman ng role. Actually nga, sabi ko nga, baka ang Prima Donnas might be my last na magko-kontrabida ako kasi I wanted to try something different because medyo nakaka-drain din kapag kontrabida ka ng kontrabida. Your audience is gonna get tired also of watching you doing the same old thing. So, if the right offer would come in, why not, di ba?

“Pero kung ako talaga ‘yung masusunod, sinabi ko na kay kuya Arnold (Vegafria), my manager na talagang ang Prima Donnas ko ang magiging last ko nang kontrabida. Kaya ibibigay ko na ‘to nang todo-todo,” sey ni Aiko.

Kalahating taon ding hindi napanood sa ere ang nasabing serye because of the pandemic and finally, simula ngayong araw, Nov. 9 ay mapapanood na ang mga bagong fresh episodes ng serye sa afternoon prime block ng GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.