Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luis umayuda sa batang walang butas ang puwet

0 48

NI: Vinia Vivar

Naantig ang puso ni Luis Manzano sa limang taong gulang na batang babae na nakita niya sa social media kaya naman naisip niyang tulungan ito sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.

Sa bagong vlog na in-upload ni Luis titled “Guilty or not Guilty With My Barkada” ay nagmakaaawa siya sa netizens na panoorin ito dahil ang lahat ng kikitain nito ay ibibigay niya kay Sopia Amano.

“VLOG FOR A CAUSE ‼️ Hindi po ito clickbait, hindi po ito pa-cute lang. Wala po itong punchline sa dulo. But for today, nakikiusap po ako sa inyo to watch & share this vlog for Sopia Amano. Siya po ay isang batang babae na 5 taong gulang, nakalabas po ang kanyang tiyan. She needs our help. 🙏🏻 Lahat po ng kikitain ng vlog ko today ay ibibigay ko po sa kanyang family,” ang deskripsyon ni Luis sa kanyang vlog.

Sa simula pa lang ng video ay nakiusap na siya na sana raw ay panoorin daw ang video.

“Hi guys! Agad-agad, pakiusap ko sa inyo, please, panoorin n’yo ‘tong vlog na ‘to. Okay? Nagmamakaawa po ako,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ikinuwento niya kung paano niya nakilala si Sopia Amano. Aniya, “one time, nasa social media po ako, may nakita po ako, isang batang babae, 5 yrs. old na si Sopia Amano. Nakita ko po, si Sopia, eh nakalabas po ang tiyan.

“Dahil nagkataon po, si Sopia eh ipinanganak na walang butas po sa kanyang likuran. Kaya kailangang ilabas ang kanyang tiyan para malabas niya ang dumi niya.

“So, ang gusto ko po sanang mangyari, lahat ng kikitain ng vlog na ‘to ay ibibigay ko po sa kanyang pamilya. Dahil kung saka-sakali man ay kailangan niya po ng operasyon. Tapos, nabalitaan ko po na may kaunting komplikasyon pa si Sopia kaya medyo madami-dami o mahirap-hirap ang kailangang gawin para sa kanya,” pahayag ni Luis.

Pakiusap pa niya, “please, kahit wala po kayong pakialam sa akin, okay lang. Wala kayong pakialam sa barkada ko na ilalagay ko sa vlog na ‘to, okay lang. Pero please, panoorin n’yo nang paulit-ulit, dahil lahat ng ‘to ay para sa kanya.”

Sinabi rin ni Luis na balak niyang regular na gawin ang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang vlog isa or dalawang beses sa isang buwan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.