Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Umiihi sa shower! Jessy nandiri kay Luis

0 181

Nagkaroon ng pagkakataon ang TV host-actor na si Luis Manzano na tanungin ng personal na questions ang kanyang asawang si Jessy Mendiola sa kanyang vlog sa Lucky TV.

Sumentro ang kanilang usapan sa “Things I’ve Never Asked My Wifey.”

Isa sa mga natanong ni Luis sa misis ay kung ano raw ang ugali niya na ikinatu-turn off ni Jessy.

Sey ni Jessy, turn off daw siya sa pag-ihi ni Luis sa shower at maging sa swimming pool nila.

Aminado naman si Luis na umiihi talaga siya kahit pa naka-scuba diving suit siya.

Manzano yakman kay Mendiola

Sa tanong naman kung ano ang first impression niya kay Luis noong hindi pa niya ito kilala, walang kagatul-gatol naman siyang sinagot ni Jessy na feeling niya ay manyakis ito.

Madalas daw kasi noon ay in the company of girls si Luis kaya napagkakamalan niyang chick boy ito.

Pero, as time goes by, nagkamali raw naman pala siya sa pagkakilala sa hubby.

Sa question naman kung sino sa palagay niya ang boyfie nito ngayon kung sakaling hindi sila nagkatuluyan, sey ni Jessy, wala raw siyang nakikitang iba lalo pa’t isa pa lang daw naman ang naging nobyo niya before Luis.

Kung meron man daw siyang medyo ka-close, ito raw ay si Derek Ramsay pero hindi pa rin daw niya ma-imagine na magiging sila kung sakali.

SM food to go Banner Ad

Isa rin sa bagay na nakapagpa-realize sa kanya kung gaano siya kamahal ni Luis ay ang pagpapahiram umano ng mister ng kanyang paboritong unan na ginagamit ng anak ng Star for All Seasons since he was three years old.

Biniro rin ni Luis ang misis na kung Monday, Wednesday at Friday daw ay feeling niya ay mister siya ng aktres, pagdating daw naman ng Tuesday, Thursday at Saturday ay karne siya na pinapapak ng misis.

Sa mga nag-uurot daw naman sa kanyang mga kakilala kung mapapatotohanan ni Jessy na gifted o jumbo ang ‘hotdog’ ng TV host-actor, natawa na lang ang vlogger-actress sa pasakalye ni Luis.

Komedyana windang sa pagpanaw ni Mahal

Marami ang nagluluksa sa pagkamatay ng midget comedienne na si Mahal o Noemi Tesorero sa tunay na buhay.

Kabilang na rito ang comedy queen na si Ai Ai delas Alas na naging emosyonal sa kanyang Instagram post dahil sa nangyaring trahedya sa kaibigan.

Ani Ai Ai, hanggang ngayon daw ay hindi pa siya makapaniwala na sumakabilang-buhay na ang ever bubbly comedienne.

Dagdag pa niya, si Mahal daw kasi ang isa sa mga itinuturing niyang malapit na kaibigan sa show business lalo’t pareho silang mahilig magpatawa.

“Ma miss ka namin mahal (noemi). Kanina hindi pa nag sink in saken na wala ka na pero nung pinanood ko to ayan naiyak nako… “kanina tulala ako na parang fake news ang dating saken… rest in peace mahal .. nawalan ako ng isang barkada sa industriya. (kami ang dabarkads ako, mahal, kiray, jason, johnvic and joaquin),” emote ni Ai Ai sa kanyang Instagram.

Bukod kay Ai Ai, nagpaabot din ng pagdadalamhati ang mga kaibigan niyang sina Rosanna Roces, Brenda Mage, Inday Garutay at marami pang iba.

Matatandaang bago rin siya pumanaw, nai-feature pa siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Sinikap nitong dalawin ang kanyang kaibigan at dating katrabahong si Mura sa Bicol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.