Abante Tonite Interactive

Luka Doncic buburahin si Derrick Rose

0 275

Si Luka Doncic na ba ang bubura sa titulo ni Derrick Rose sa Youngest MVP sa NBA?

Si Derrick Rose ang itinanghal na Most Valua­ble Player noong 2011 sa edad na 22 years old at 191 days. Hanggang ngayon ay wala pang nakabubura nito, bago dumating si Luka Doncic.

Si Luka ay 20-anyos na nasa kanyang sophomore year ngayong 74th o 2019-2020 NBA season. Siya rin ang nagwaging Rookie of the Year last season.
Ba’t nga naman ba hindi? Simula first game hanggang matapos ang season ay consistent ang paglalaro niya.

Ngayon ngang ikalawang taon niya, malapit sa triple-double ang average na ginagawa niya sa 30.1 points per game, 10 rbg at 9.5 apg.

Nasa balikat din ni Luka ang fifth-running Dallas Mavericks hawak ang 11-6 win-loss record.

Pasok pa siya sa Top 3 MVP candidates at sa kaagahan ng season, siya na agad ang crowd favorite na mag-uuwi ng tropeo.

Kasalukuyan siyang angat kay 2018 NBA MVP James Harden at 2019 NBA Finals’ MVP Kawhi Leonard.

Malaki ang posibilidad na manalo si Luka ng MVP. Noong kanyang rookie year ay pinabilib na nito ang mga fan ng basketball at patuloy pang nag-i-improve.

Kundi maiuwi ngayong season, mayroon pa siyang isang season upang burahin si Rose sa titulong Youngest MVP.

Dahil kung manalo ito sa susunod na season ay ilang buwan pa lamang ang nakalilipas sa kanyang ika-22-taon.

Ang opinyon ng inyong lingkod, bilib man ako sa laro ni Luka, ayaw kong mawala kay Rose ang titulo dahil isa rin ito sa hinahangaan ko sa liga.
Abangan natin ang susunod at mahaba pang kabanata.

***
Kung kayo po ay may reaksiyon o gustong itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!