Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luke ekis sa SEAG

0 35

AGAD nawalan ng isang potensiyal na gintong medalya ang Philippine swim team bago magbukas ang 31st Hanoi SEA Games.

Naglaho sa Pilipinas ang isang potensiyal na gintong medalya sa swimming matapos mabigo ang Filipino-Australian na si Luke Michael Gebbie sa kanyang RT-PCR test na basehn para sa kanyang pagsabak Hanoi meet.

Ang Tokyo Olympian na si Gebbie ay matatandaang nag-ambag ng pilak sa men’s 4×100 meters freestyle relay at tanso sa 50 meters freestyle.

Hindi man nalampasan ni Gebbie ang qualifying heats sa Tokyo ngunit nagtala ng Philippine record na 49.64 segundo sa 100m freestyle. Siya rin ang nagmamay-ari ng pambansang rekord sa 50m freestyle (22.57 segundo) at 50m butterfly (24.34 segundo) na naitala niya sa New Clark City noong 2019 SEA Games.

Tatlong iba pang Pinoy atleta sa kickboxing ang una nang nagpositibo sa virus ngunit na-clear ito pagkatapos ng retest nakaraang linggo.

“Too bad he tested positive,” sabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kahapon. “That’s one less medal—a potential gold at that—in our campaign.”

Si Gebbie ay dapat na isa sa 16 na miyembro ng aquatics team sa Hanoi. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.