Abante Tonite Interactive

Lumaban para sa tama – VP Leni

By
432

Sa paggunita ng ika-35 taong death anniversary ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., paghimok ni Vice President Leni Robredo sa mamamayang Filipino na magkaroon ng lakas ng loob na lumaban kung ano ang tama para sa bansa.

“Today, as we remember Ninoy Aquino, I pray that we find in ourselves the courage to claim for ourselves the freedoms Ninoy died for, and in that way, live up to the unshakable faith he had in us as a people,” ayon pa kay Robredo.

Binanggit ng Pangalawang Pa­ngulo ang tinuring na famous quote ni Ninoy, “The Filipino is worth dying for”, na isang pagpapakita umano na hindi ito nawawalan ng pag-asa para sa kababayan nito noong panahon na naghari ang diktaduryang Marcos.

Ayon kay Robredo, si Ninoy, nasa loob man ng kulungan ay hindi ito sumuko at nawalan ng pag-asang ituloy ang kanyang pakikipaglaban sa diktadurya dahil sa kanyang paniniwalang hindi ito ang nararapat para sa mga ­Filipino.

“But despite prison, hopelessness, and the seeming indifference of so many of the very people whose freedoms he was fighting for, Ninoy never lost faith in his fellow Filipinos and the nation he loved,” sabi ng Bise Presidente.