Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lumabas para mag-exercise, lola todas

0 273

Hindi na nakauwi ng bahay ang 63-anyos na lola naglakad-lakad para mag-ehersisyo sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City, nang bangkay na itong matagpuan Lunes ng madaling araw.

Sa ulat, alas-5:15 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Thelma Ermino Fabian, 63, biyuda, taga-271 Pook Masagana, Brgy Bahay Toro sa Mindanao Avenue North Bound, Brgy. Bahay Toro, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Jaime Samson, Traffic Investigator Sector 6 ng QCPD, nakatanggap sila ng tawag na may nakabulagtang matandang babae sa lugar kaya agad rumesponde sina PCMS Alberto Dionisio, PCpl Raymart Acosta sa pamumuno ng Staff Duty Officer na si PLt. Harry L Basilla.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagdating sa lugar ay wala nang buhay na nabungaran ang biktima na bali ang kaliwang binti at may mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na nakagawian na ng lola na maglakad tuwing madaling araw. Alas-5:00 ng madaling araw nang umalis ito ng bahay pero hindi ito nakauwi pa.

Masusi ngayong iniimbestigahan kung na hit-and-run ang biktima. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.