Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lumabas para sa module: Grade 10 ni-rape slay sa Batangas

0 131

Patay na at walang saplot nang madiskubre ng mga awtoridad ang bangkay ng isang dalagita sa Laurel, Batangas na kukuha lang sana ng learning module.

Sa report, Lunes ng gabi nang makita ang 15-anyos na babaeng grade 10 student sa Sitio Dayap, Brgy. Sta. Maria.

Sa social media account ng Wow Laurel, Batangas, sinasabing kukuha lang ng module ang dalagita sa kanyang kaklase at saka dumiretso sa gubat para kumuha ng kumpay.

Doon na rin siya natagpuan na hubo’t hubad at nasawi na.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng Laurel Municipal Police na alas-9:00, Linggo ng gabi, nang tumawag ang mga opisyal ng nasabing barangay tungkol sa natagpuang bangkay ng menor de edad sa madamong bahagi sa Sitio Dayap.

Nabatid na ang lalaking pinsan ang nakakita sa labi ng biktima na tumawag naman sa barangay.

Lunes ng tanghali nang huling nakitang buhay ang estudyante.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Laurel Police sa suspek sa krimen. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.