Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lumabas ugali sa motorcade pa lang

0 190

Teka lang, naisip ko lang na puwede rin palang pagsamahin ang motoring at politika dito sa pitak na ito.

Medyo matagal-tagal na rin kasing nababad sa politika ang ating usapan mula sa orihinal na tema ng pitak na ito na dapat ay patungkol sa manibela, gala at kung ano anong mapaglilibangan ng mga mahihilig lumakwatsa.

Puwede naman palang paminsan-minsan ay pagsabayin ang politika at lakwatsa.

Naisip ko lang ito bigla matapos na ibalandra sa social media ang iba’t ibang serye ng motorcade na nagpapakita daw ng puwersa ng mga tagasuporta ni Presidential aspirant Maria Leonor Santo Tomas Gerona Robredo.

Maaring tama ang kanyang mga tagapayo na sa pamamagitan nga ng motorcade ay lulutang kung gaano kadami ang suportang nakuha ni Robredo matapos na siya ay ganap na magpasyang sumabak sa pampanguluhang halalan sa kabila ng ilang beses na naunang pagtanggi na hindi siya tatakbo.

Balikan lang natin na ang di niya pagtakbo ay ilang beses niyang inulit kay Mareng Winnie Monsod matapos na siya kulitin nito nang kulitin sa isang panayam.

Pero teka muna uli, bago tayo tuluyang mawala sa direksiyon ay balikan natin ang motorcade ni Ma’am Leni.

Halos napuno nga ang mga pahina ng iba’t ibang social media platforms ng kulay pink na dati ay sumisimbolo lamang sa breast cancer awareness month, bunga ng iba’t ibang serye ng motorcade na yan para kay ma’am.

Pero hindi maitatanggi na marami rin silang pinerhuwisyo na ibang motorista na nagpaabot din ng reklamo sa social media bunga ng abalang inabot dahil sa motorcade na ‘yan.

Gaya lamang ng FB post ng isang netizen mula sa lunsod ng Muntinlupa na nagsabing matinding trapik ang inabot nila dahil isinabay ang event sa rush hour, may mga naipit din na nagpost ng advisory gaya ng pagsasabing para sa mga aalis sa bahay ay magbaon ng maraming pasensiya.

Mayroon din mga nagpaputok pa ng confetti guns kaya nagkalat ang kulay pink sa kalsada na siguradong dagdag na parusa sa mga street sweeper.

Kung ating babalikan, binanatan din ng mga taga-suporta ni ma’am ang motorcade ng Run Sara Run matapos mavideohan sa isang pagkakataon na lagpasan nito ang red light traffic.

Kung ganito rin lang ang asta ng mga nagsasabing tatapusin nila ang masamang pangangasiwa sa gobyerno, hindi ba mas parang maiisip natin na parang kagaya din lang sila ng tinatangka nilang sipain?

Kayo ba may nakikitang pagbabago kapag itong mga nagmomotorcade na namemerhuwisyo sa ibang motorista ang mamayagpag sa Mayo?

Hayst!

Leave A Reply

Your email address will not be published.