Abante Tonite Interactive

Lumad attack sa Davao imbestigahan — VM Duterte

93

Nanawagan si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa pulisya ng kanilang lungsod upang kaagad maaksyunan ang insidente ng pag-atake sa mga kababayang ­Lumad sa Sitio Kahusayan, ­Guianga, Davao noong Biyernes.

Nasawi sa naturang pag-atake ang isang la­laki na kinilalang si Hermie Alegre at nasugatan ang isa pang biktima na si Danny Diarog.
Ayon kay Duterte, lubhang ­nakakadismaya na at nakakasakit ng kalooban ang karahasan na bumibiktima sa mga kababayang Lumad.

Ang mga biktima ay pawang kabilang sa Bagobo Klata Tribe.

Ipinarating dinNni Duterte ang kanyang pa­ki­kiramay sa mga naulila ni Alegre lalo na sa tatlo nitong anak.

Nanawagan din si Duterte na manatiling kalmante ang mga kinauukulan habang iniimbes­tigahan ang insidente.

Dapat din ­anyang iwasan ang ­paninisi at pagtuturo sa kanino mang grupo o indibidwal bilang suspek sa nabanggit na krimen.