Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lumaklak ng 1.5 litrong soft drink tigbak

0 98

Sa sobrang init ng panahon, hindi napigilan ng isang 22-anyos na lalaki na inumin nang dire-diretso ang may 1.5 litrong soft drink na humantong sa kanyang kamatayan.

Ayon sa report ng The Sun, sinubukan pang sagipin ng mga doktor sa China ang hindi pinangalanang biktima ngunit pumanaw din.

Sabi ng Clinics and Research in Hepatology and Gastroenterology, lumaklak ang lalaki ng 1.5 litro ng soft drink sa loob lang ng 10-minuto.

Matapos ang apat na oras ng pananakit ng tiyan, isinugod ang biktima sa ospital para sa “emergency treatment”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala raw diabetes o problema sa kalusugan ang biktima ngunit hindi na naging stable ang kanyang vital signs.Tumaas ang temperature at heart rate niya habang bumaba ang blood pressure.

Nadiskubre sa CT scan na dumanas ang biktima ng “extensive portal vein pneumatosis”.

Nangyayari umano ito kapag may abnormal accumulation ng gas sa intestinal wall at portal vein.

Dahil dito, hindi nakakakuha ang atay ng sapat na dugo at oxygen.(IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.