Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lumang sapatos ni MJ binili ng P30M

0 192

Pati sneakers ni Michael Jordan, gumagawa ng record.

Nabenta ng $615,000 (P30M) ang game-worn sneakers ni Jordan, ayon sa Christie’s auction house. Binasag nito ang dating record ng isa pang pares ng sapatos ng basketball legend.

Ang record-setting pair ay ang Air Jordan 1 Highs na ginamit niya sa isang exhibition match sa Italy noong 1985. Size 13.5 ang sneakers, red-and-black na kulay ng Chicago Bulls ni Jordan.

Sa larong ‘yun, malakas niyang dinakdak ang bola at nawasak ang glass backboard.

Nasa sapatos pa ang pruweba.

“This is the original shoe with an actual piece of the backboard, a piece of glass, in the sole of the shoe,” ani Caitlin Donovan, head ng handbag and sneaker sales sa Christie’s.

Nagsalansan si Jordan ng 30 points sa larong ‘yun.

Noong May, nabenta ng $560,000 ang isa pang pares ng Air Jordan 1s ni MJ. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.