Abante Tonite Interactive

Lumilipad na itlog

640
Tanong ko lang po, nanaginip po kasi ako na nakasakay ako sa lumilipad na itlog. Ano po kaya kahulugan po? Salamat po sa tugon.
Ang itlog sa panagi­nip ay sumisimbolo sa birth at fertility. Puwede rin itong maikonek sa  resulta ng iyong mga pagsisikap. Maaari rin naman na ang itlog ay maikonek sa iyong pakikitungo sa mga tao sa paligid mo dahil ang balat ng itlog ay madali ­lamang madurog.
Ang itlog ay sumi­simbolo rin sa bagong pa­nimula. Sa mga lumang paniniwala, itinuturing na mas ma­laking itlog ay mas malaki raw ang ganansya mo sa buhay.  Sa kabuuan, ang itlog ay isang positibong panaginip.
Puwede rin namang sumisimbolo ang itlog sa iyong poten­syal. Kung meron ka pang hindi nailalabas na ga­ling o husay. Itinutu­ring din ang itlog na indikasyon na meron kang nilulutong malaking plano na siyang magiging daan para makamit mo ang iyong tunay na destiny dito sa mundo.
Pero sa iyong pana­ginip, ang itlog ay hindi isang pangkaraniwang itlog sa halip ay nagmistula itong sasakyan na lumilipad. Kaya kung bibigyan ito ng interpretasyon, puwede mo rin itong ikonek sa isang sasakyang lumilipad.
Related Posts
Ang panaginip naman na tungkol sa pag­lipad ay sumisimbolo ng mataas na pangarap. Naroon ang feeling na walang makakapi­gil sa iyong pinapa­ngarap dahil nga sakay ka sa isang lumilipad na bagay. Nasa ibabaw ka ng karamihan at mahirap kang habulin dahil nasa ere ka.

 

Ano ang naramdaman mo sa iyong pana­ginip? Nakaramdam ka ba  ng kasiyahan at pagiging proud habang lumilipad? Kung ganito ang feeling mo sa iyong panaginip, masasabing anuman ang pinaplano mo sa buhay ay naroon ang kumpiyansang kaya mo itong maabot. Me­ron kang self-confidence. At kung natakot ka naman habang lumilipad ka, maikokonek mo rin ito sa nararamdaman mo sa aktuwal na buhay. Maaaring nangangamba ka sa malaking planong kailangan mong gawin.

 

Anuman ang mabuo mong interpretasyon, ang iyong panaginip ay indikasyon na ­meron kang pinagsisikapan. ­Posibleng isa itong ambisyosong plano. Sa gitna ng lahat ng ito, importanteng mana­tili kang may tiwala sa iyong sarili.
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER  ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panagi­nip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.