Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lumipat ng pugad, matulis na mister pinadampot

0 40

REHAS ang hinihimas ngayon ang isang lalaki at kanyang kalaguyo matapos silang arestuhin ng Cauayan Police Station nang magreklamo ang tunay na misis sa Barangay Fermin, Cauayan City, Isabela noong Martes.

Ayon sa Cauayan City Police Station (CCPS), ang magkalaguyo ay pansamantalang tinago sa pangalang “Fred”, 26, helper at “Honey”, 35.

Sa report ng CCPS, nakatanggap sila ng report mula sa 45-anyos na misis ni Fred hinggil sa pagsasama ng huli at ng kanyang kulasisi sa isang boarding house sa Barangay Fermin.

Kasama ang kanyang mga kamag-anak, humingi ng tulong sa pulisya ang orig hanggang sa mabokelyang magkapiling sa iisang kuwarto ang magkalaguyo na kapwa dinakip. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.