Abante Tonite Interactive

Lumongsod, AFP binistay ang PITC

0 142

Mga laro sa Linggo:
(Pasig City Sports Center)
2 p.m. – DENR vs GSIS
3:30 p.m. – Ombudsman vs SSS
5 p.m. – NHA vs PNP

Dinomina ng defending champion Armed Forces of the Philippines ang Philippine International Trading Corporation, 90-70, sa unang laro ng 8th UNTV Cup 2019 nitong Lunes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Binitbit ni Jerry Lumongsod ang Cavaliers nang pumuntos ng 16 upang kunin ang panalo sa koponang nagdonasyon ng P4M sa education ng mga anak ng yumaong mga sundalo sa nakalipas na taon sa torneong inorganisa ng UNTV sa pamamagitan ng kanilang pangulo at CEO Dr. Daniel Razon.

Sa magarang plays ni 2007 Thailand SEA Games gold medalist PH 5 team mamber Eugene Tan, kasama rin sa mga nagprodyus para sa AFP Cavaliers sina Willy Casulla at Dave Cordero na mga nag-ambag ng 15 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

Kinatuwa naman nina Razon at Bro. Eli ang paglahok 12 government agencies upang tulungan ang mga mahihirap at nangangailangan sa Sunday-only tournament.

Nakihalok rin sa opening game sina RnB King Jay-R at Ylona Garcia nang magperform sa halftime habang ang BMPI Talent Center Artist na Wishfuls, Brandz, LFof Phlethora at Rhea Basco naman para sa opening acts.

Ang iskor:

AFP 90 – Lumongsod 16, Casulla 15, Cordero 12, Sergio 10, Tan 9, Almerol 9, JQuiambao 5, Rosopa 4, Fernandez 4, Evidor 3, Araneta 3.

PITC 70 – Vasallo 18, Martin 18, Almarinez 13, Taplah 9, Porto 4, Lopez 4, Gecale 2, Barbers 2.

Quarters: 33-8, 52-28, 67-52, 90-70. (Aivan Denzel Epicope)