Abante Tonite Interactive

Lumongsod, AFP lalapit sa F4

0 145

Ilalapit nina Jerry Lumongsod at Boyet ­Bautista ang defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) sa outright semifinals berth kapag nakabangga ang Judiciary sa Linggo sa 8th UNTV Cup 2019 second round eliminations sa San Juan City gym.

Kagagaling lang sa paglusot sa ­National ­Housing Authority Builders, 86-84 sa ­pagsisimula ng kasalukuyang bahagi nitong Nobyembre 21, liyamado ang AFP Cavaliers kontra Magis sa alas-dos nang hapong salpukan sa torneong inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon para sa public servants.

Bumuga ng 19 points si Lumongsod sa paghakbang sa NHA, habang bumakas si Bautista ng 17 markers para sa barahang 6-0 at isalya ang biktima sa pang-anim sa 3-3.

Asam ng Builders na makabawi alas-3:30 nang hapong pakikidigma sa nasa pang-apat na ­Department of Agriculture Food Masters (4-2), na nais ding makabuwelta mula sa 94-85 loss sa ­Department of Environment and Natural Resources (Aivan Episcope)