Abante Tonite Interactive

Lumulobo na ang mga game ng eSports

193

Lito Oredo

Parami nang parami ang mga nadedebelop na mga laro sa electronic sports o eSports kaya iba-iba na rin ang mga kinahihiligan ‘di na lang ng mga kabataan kundi pati ng mga lehitimong mga atleta at mga propesyunal na race car driver.

‘Di na lang mga laro tulad sa lawn tennis, basketball, golf at boxing­ ang nagagawan ng applications. Pati na rin race car driving kung saan sinimulan mismo ang unang NASCAR Esports League habang sinasagawa ang lehitimong karera sa Charlotte Motor Speedway.

Habang dinaraos ang Coca-Cola 600 race sa nakaraang linggo sa CMS naging tampok at atraksyon ang dinumog na unang NASCAR eSports league.

Naranasan ng mga player sa Xbox One at PlayStation 4 ang makasabak sa aktibidad kung saan nagwagi si Slade Gravitt ng Wood Brothers­ Racing sa PS4 at si Brian Tedeschi ng Team Penske sa Xbox One.

Ang karera ang nagbukas sa eNASCAR Heat Pro League, isang major esports league na tampok ang 30 driver mula sa 15 race team na pag-aari ng prominenteng NASCAR race teams.

Tampok sa liga ang 16 na mga karera sa iba’t ibang race tracks kung saan matatapos ang torneo sa 2019 NASCAR playoffs nga­yong taon.

Dahil naman sa patuloy na lumolobo ang bilang ng nadedesenyong mga laro ay tulu­yang nagtayo ng isang training center para sa eSports ang isang full-time eSports athlete mula sa Singapore.

Dahil ayaw ng full-time eSports athlete na si Joseph Yeo na mais­torbo sa kanilang bahay, tinayo niya kasama ng Team Flash ang Singapore Sports Hub sa OCBC Arena.

Nakatuon ang Sports Hub at Team Flash sa pagtataguyod sa professional eSports training facility na asam maturuan ang mga local talent sa sport.

Una sa programa ng pasilidad ang makapagbigay ng organisadong mga laro sa mga koponan ng eSports athletes na makapagpokus sa kanilang training regimen bilang parte at paghahanda tulad sa idaraos ngayong taon na 30th SEA Games sa ‘Pinas at sa sa 2022 Asian Games sa Hangzhou.

Kaya naman asahan natin ang Singapore na maging palaban sa anim na gold medal 2019 SEA Games.