Abante Tonite Interactive

Lumuwag imbes na humigpit

712

Dra. Margarita Holmes

Dear Dr. Holmes:
Bkt po Kya ganun? 1month po na HND ako gnamit ni Mr ko kc ngwo2rk cia bkt po nung gnamit NIA ko imbis po na humigpit eh lumuwag po?

My 3 na PO kme ank isang 5 – 3 – at 1yr old

Abante Hiring – IT dep

Kc po ngglit po c Mr ko iniicp po NIA my la­lake ko ngaung wla nmn po kc tapat nmn po ako sa knya
SNA po masagot nyo.
Loreta

Dear Loreta:
Maraming salamat sa sulat mo. Mahirap masagot ang tanong mo na swak na swak, dahil maraming posibleng mga dahilan na nangyari ang nangyari.

Una, maaaring hindi humigpit o lumuwag ang iyong ari. Kadalasan, isang buwan ay hindi sapat na panahon para ang “epekto” ng hindi pagsisiping ay maranasan kaagad. Maaari kayang imahinasyon lang niya ang dahilan? Madaling maniwala sa isang bagay, lalo na tungkol sa sex, kung walang basehan ito.

Madaling akusahan ang isang tao (in this case, ikaw) tungkol sa isang bagay kung mahirap patunayan na hindi nangyari ang inaakusa sa iyo. Gaya ng sabi sa Ingles, “It’s hard to prove a negative.”

Mas madali para sa kahit anong tao na patunayan ang talagang nangyari (halimbawa: “Nagtaksil ka at eto ang mga letrato na patunay rito”) kaysa patunayan na hindi nangyari ang hindi nangyari. Paano mo mapapatunayan na hindi mo kinain ang nawawalang champorado? Paano mo mapapatunay na hindi ka nagtaksil?

Kung mag-asawa kayo, sana naman hindi ka niya hinusgahan na nang­lalalake dahil lamang sa pakiramdam niya na hindi ka kasing sikip ng dati. Seryoso ang kaniyang akusasyon sa iyo. Ganyan ba kababa ang tingin niya sa iyo at sa inyong pagsasama? FINAL INSTALLMENT BUKAS

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.