Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luna, Chery binayo Baguio

0 27

Humambalos ng 9 spikes sa 11 points niya si May Luna nang mabilisang bambuhin ng Chery Tiggo ang Baguio 25-13, 25-17, 25-14, sa 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League Miyerkoles sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa.

Sampa sa 3-1 win-loss record ang Crossovers para itakda ang gold medal match ngayong alas-4:00 nang hapon kontra league leader F2 Logistics (4-0). Kailangang hakbangan sa3-4 set nito ang Chery dahil kung 5-set sa Cargo Movers mapupunta ang korona via quotient.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tanging si Mary Atuban lang ang umalma sa Lady Highlanders sa pamamagitan ng anim na puntos sa panapos na kampanya ng team na bokya sa panalo sa limang sabak. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.