Abante Tonite Interactive

Lunar eclipse masasaksihan sa Hulyo 28

By
1,279

Sa loob ng mahigit 6 na oras ay masasaksihan sa Pilipinas ang lunar eclipse sa Hulyo 28, ayon sa Philippine Atmosphe­ric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, ang lunar eclipse ay magsisimu­la ala-1:13 ng madaling-araw ng Hulyo 28 hanggang alas-7:30 ng umaga.

Ang lunar eclipse ay isang phenomenon kung saan natatakpan ng anino ng ating mundo ang liwanag ng buwan dahil sa bibihirang posisyon ng mga ito.

“The lunar eclipse is expected to deve­lop as follows: Penumbral eclipse begins: 1:13 a.m.; partial eclipse begins: 2:24 a.m.; greatest eclipse: 4:21 a.m.; partial eclipse ends: 6:19 a.m. (no longer observable) and penumbral eclipse ends: 7:30 a.m. (no lo­nger observable),” ayon sa Pagasa.

Pinapayuhan ng ahensiya ang mga observer na gumamit ng binoculars upang lalong makita ang eclipse. Hindi naman na umano kailangan ng paggamit ng anupamang mga protective filters dahil ligtas naman ang panonood ng lunar eclipse.