Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Luneta binuksan na, 4-oras lang sa umaga

0 184

Binuksan na muli ang Rizal Park o Luneta sa Maynila para sa mga taong nais mag-ehersisyo.

Nabatid sa National Parks Development Committee (NPDC), na magpapatupad rin sila ng mga bagong health protocols sa parke.

Nalaman na bukas lang ang Luneta para sa mga mag-eehersisyo mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-9:00 ng umaga kada araw.

SM food to go Banner Ad

Kinakailangan munang mag-check in online bago makapasok sa parke.

Gamit ang cellphone, kinakailangan umanong kumuha ng QR Code sa messenger ng SafePass FB Page.

“We are happy to announce that Luneta / Rizal Park’s central section will open once again FOR EXERCISE ONLY starting Monday, August 24, 2020 – from 5AM-9AM every day,” pahayag ng NPDC, sa kanilang Facebook page. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.