Abante Tonite Interactive

Luneta magtatanghal ng mga palabas ngayong Semana Santa

330

Nanatiling bukas sa publiko at sa mga pamilyang nakikiisa sa pagdaraos ng Semana Santa – ang Rizal Park.

Kahapon ay makikita na sa Luneta ang naglipanang mga watawat na kulay violet tanda ng pakikiisa ng pamunuan ng nasabing parke sa paggunita ng Mahal na Araw.

Bukod sa malayang magnilay ang sinumang gustong tumapak sa national park ay may mga pagtatanghal ding magaganap sa open air auditorium gaya ng “Martir sa Golgota” sa Biyernes, alas-6 ng gabi, at “Daan ng Krus The Musical” sa Sabado, alas-7 ng gabi.

Magsisimula ng alas-8:00 ng umaga at magtatapos ng hanggang alas-10:00 ng gabi ang isasagawang Via Crucis o Station of the Cross sa loob mismo ng Luneta. (ME)