Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lung Center doktor ninakawan ng kasambahay

0 10

Umaabot sa P1.6 milyong halaga ng mga alahas ang tinangay ng kasambahay na may isang linggo pa lang naninilbihan sa among doktora sa Barangay Veteran Village, Quezon City nitong Lunes.

Ang biktima ay nakilalang si Virginia Delos Reyes, 52, pulmonary doctor specialist ng Lung Center of the Philippines at residente ng nasabing barangay.

Samantala, pinaghahanap pa ang nakatakas na suspek na nakilalang si Annalyn Tiglao, 33, tubong Pampanga at residente ng Barangay 168 Deparo, Caloocan City.

Ayon sa Masambong Police Station ng QCPD, naganap ang insidente alas-12:30 ng tanghali nitong Hunyo 7 sa tahanan ng doktora.

SM food to go Banner Ad

Tinangay umano ng kasambahay ang mga gold earring ni Delos Reyes na nagkakahalagang P50,000, limang piraso ng mamahaling relo at alahas na nagkakahalagang P50,000, na umaabot lahat ng P100,000. Ninakaw din umano ni Tiglao ang umaabot sa P1.5 milyong halaga ng mga alahas na pag-aari ng kanyang kapatid na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Ayon sa biktima, sa kanyang pag-uwi ay napansin niyang nawawala ang kasambahay at dahil kinabahan ay agad niyang tinungo ang pinaglalagyan ng mga alahas. Doon nadiskubreng nawawala ang mga ito.

Agad itong ni-report ni Delos Reyes sa Masambong Police Station.

“Umaasa kaming ang babaeng ito na nagpapanggap na kasambahay ay madarakip agad upang hindi na siya makapanloko ng iba pa sa pamamagitan ng matatamis na salita at pananamantala sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya—isang bagay na ayaw sapitin ng bawat tahanan sa gitna ng pandemya.” (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.