Abante Tonite Interactive

Lungsod ng Bacoor magdiriwang ng ika-6 na anibersaryo bilang siyudad

By
856

Mula pa nang magsimula ang buwan ng Hunyo ay tuloy-tuloy na naglunsad ng mga aktibidad at proyekto ang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Lani Mercado-Revilla. Ang mga programang tulad ng mga medical and dental mission, bag and school supply distribution, feeding program, financial aid to the el­derlies, libreng gupit, libreng salamin at pustiso sa mga matatanda, job fair at marami pang iba. Ang mga programang ito ay direktang inilulunsad sa mga barangay sa Bacoor upang mailapit mismo ang serbisyo sa mga Bacooreño. Ang mga ito ay tinawag na Alagang Ate Lani Caravan at bahagi ito ng ika-6 na ani­bersaryo ng pagiging ­siyudad ng Bacoor.

Bukod sa paglulunsad ng Alagang Ate Lani Ca­ravan, natatangi at espesyal ang pagdiriwang na ito para sa mga Bacooreño. Ilulunsad ang kauna-unahang Bacoor International Music Championships 2018 bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng 6th City hood Anniversary ng Bacoor na mag-uumpisa bukas, Hunyo 22 hanggang sa Hunyo 24, araw ng Linggo. Nakilala ang Lungsod ng Bacoor sa pagi­ging Marching Band Ca­pital of the Philippines kaya naman ang BIMC 2018 ay lalahukan ng 23 local marching band mula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng bansa at 11 international marching band mula sa iba’t ibang bansa.

Related Posts

Magkakaroon ng Marching Bands Parade sa Hunyo 22 na gaga­napin sa Quirino Grandstand. Inaasahan na ang lahat ng mga kalahok sa BIMC ay magpapakita ng kanilang talent at galing bilang pag-uum­pisa ng tatlong araw na kompetisyon. Susundan naman ito ng mga preliminary round para sa Drumline Battle at Brassline Battle. Tinatayang mahigit tatlong libong Bacooreño ang manonood sa nasabing opening na ito.

At sa araw mismo ng pagiging Lungsod ng Bacoor, Hunyo 23, ay masasaksihan muli natin ang taunang tradisyong parada ng mahigit 50 marching band na magmamartsa sa kahabaan ng kalye ng Evanglista sa bayan ng Bacoor. Ito ang taon-taong inaaba­ngan ng mga Bacooreños at maging ng mga Ca­viteños. Tiyak na punong-puno ng mga makukulay na kasuotan ang kalsada habang tumutugtog ng kani-kanilang magagarang pyesa ang mga marching band mula sa iba’t ibang bayan at syudad ng Lalawigan ng Cavite at maging sa Kamaynilaan.

Kaya naman, inaanyayahan ko ang lahat ng kababayan kong Bacooreño at ang mga Caviteño na maging bahagi ng kasaysayan na ito. Lumahok at makiisa sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersayo ng Lungsod ng Bacoor. Proud ako bilang Bacooreño at saludo ako sa lahat ng mga Bacooreño na naging bahagi ng city transformation na ito, kayo ang idol ko! Ito ang patunay ng sa NAGKAKAISANG CAVITE, WALANG IMPOSIBLE!