Abante Tonite Interactive

Luningning hustler sa paggiling

557

Walang kupas si Luningning sa pagsasayaw. Talagang hustler siya sa paggiling na panghalina niya sa kanyang mga follower. Napapanatili rin niya ang kanyang kaseksihan.

Si Luningning ay nakilala sa “Wowo-wee.” Marami ang nabago sa buhay niya simula nang matulu-ngan siya at ma-build up ni Willie Revillame.

Kagaya nina Milagring, Mariposa, Congrats at Tekla, nagkaroon sila ng solo career. Bagama’t wala na sila sa show ni Wil, malaki ang nagawa nito para kayanin nilang tumayo ngayon sa sarili nilang mga paa.

Marami na ring naipundar si Luningning dahil sa pagsasa-yaw, paggiling sa mga shows.

Kamakailan ay nag-post siya sa kanyang IG account ng, “Thank you lord for everything #housewarming #homeforlove”.

Siguradong proud si Willie na hindi napapariwara ang mga natulungan niya gaya ni Luningning. (Roldan Castro)