Abante Tonite Interactive

Lupit ng holdaper: Leeg at dibdib ng bebot sinaksak

6

Hindi na nagkasya sa pagtangay sa mga kaga­mitan ay nagawa pang saksakin sa leeg at dibdib ng isang holdaper ang isang 26-anyos na bebot na kanyang biniktima sa Malabon City ka­maka­lawa ng gabi.

Sa ulat ng Malabon City Police Crime Inves­tigation Branch, alas-nuwebe ng gabi nang maganap ang insidente sa ­Flovi Homes VII, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod sa labas ng isang computer rental shop kung saan ay kala­labas lang ng biktimang si April Banta, ­26-anyos, may kinakasama at re­sidente rin lang ng na­sabing lugar nang lapitan siya ng suspek.

Agad na hinablot ng suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng kanyang cellular phone at wallet na naglalaman rin ng P700.

Nang hindi agad bita­wan ng biktima ang kanyang bag ay doon ito big­lang sinaksak sa leeg at dibdib ng suspek bago tumakas bitbit ang gamit ng biktima.

Maagap namang si­nak­lolohan ng mga tao sa computer shop ang biktima at isinugod sa Pagamutang Bayan.

Aalamin din ng mga awtoridad kung na­ispatan ang biktima sa loob ng computer rental bago ito atakehin ng kawatan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung may mga closed circuit tele­vision (CCTV) camera sa lugar na posibleng na­ka­­hagip sa insidente.

Samantala, nasa kritikal na kondisyon pa rin ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng saksak dibdib at leeg. (Cherk Balagtas)