Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lupit ni VlanVleet dumikdik sa Magic

0 168

Pinagliyab ni Fred VanVleet ang basket sa Orlando nang maglista ng franchise-record 54 points at career-best 11 3-pointers nang lusawin ng Toronto Raptors ang Magic 123-108 sa 75th NBA regular season game sa Amway Center sa Florida Martes ng gabi.

Tumapos si VanVleet ng 17 of 23 mula sa field, perpektong 9 of 9 sa free throws para burahin ang dating record ni DeMar DeRozan na 52 points noong Jan. 1, 2018.

Madaling sinapawan ni VanVleet ang dating career-high 36 points na nilista sa nakaraang season nang magsalansan agad ng 17 sa first quarter, 11 sa second at 18 sa third.

Ang dating regular-season best niya sa 3-point range ay pito. Nagtuhog siya ng walo sa playoffs noong October kontra Brooklyn.

Nag-ambag pa si Norman Powell ng 23 points, may triple-double na 14 points, 10 rebounds at 10 assists si Kyle Lowry sa Toronto na sumampa sa 9-12 win-loss mark, binalya ang biktima sa 8-14

Binuhat ng 21 points at 18 rebounds ni Nikola Vucevic ang Magic. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.