Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lusot sa suspensiyon: Greg multa sa hard foul

0 72

NAKALIGTAS sa suspensiyon ang NorthPort Batang Pier center na si Greg Slaughter subahil hindi sa garantisadong P20,000 multa na posibleng madagdagan dahil sa pagkakapataw dito ng Flagrant Foul 2 sa laro nito kontra sa Terrafirm Dyip Sabado ng hapon.

Si Slaugnter ay nahaharap sa garantisadong multa mula sa Office of the PBA Commissioner matapos ang nagawa nitong flagrant foul 2 kontra Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na nakasaad na sa liga na ang F2 infraction ay nangangahulugan ng awtomatkong P20,000 multa.

Maaaring iapela ng 7-foot na si Slaughter ang multa bagaman sinabi ni Marcial na mananatili ang parusa.

“Kapag tumawag ng F2 ‘yung mga referee, sinisiguradong pang F2 talaga,” sabi ni Marcial.

“Sa nakita ko kasi, hinatak niya pa pababa,” sabi pa nito sa insidente na naganap sa 8:19 minuto ng ikalawang yugto na naging dahilan upang mapatalsik ito sa laro kung saan abante ang Batang Pier, 30-22.

Nagtala lamang si Slaughter ng dalawang puntos at tatlongrebounds sa siyam na minutong paglalaro.

Hinihintay naman ni Marcial kung ang technical committee ng liga ay magerekomenda ng suspensiyon kay Slaughter .

“Hindi ko alam kung magre-recommend sila sa akin. Pero sa akin, wala namang suspensiyon ‘yun,” sabi nito.

Maglalaro muli ang Batang Pier na kasalukuyang nakapagtala ng dalawang sunod na panalo para sa 3-3- panalo-talo kartada sa Don Honorio Ventura State University gym ngayon kontra NLEX sa ganap na alas-7 ng gabi na ikatlong sunod na laro ng NorthPort sa nakalipas na apat na araw. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.